search
top

MRT: Nabilang mo ba?

At matapos ang una kung post sa para sa pinoy community blog na ito, ito naman ang isang topic na  ikwekwento ko.

Una sa lahat, isa ako sa mga nakikipag girian umaga’t gabi sa pinaka patok na tren sa kalakhang maynila. Yun ay walang iba kungdi ang maliit at makipot na tren ng EDSA ang MRT. Minsan naicip nyo ba na ilan kaya ang ilaw sa daanan ng tren bago pumunta sa Buendia galling Guadalupe? Ilan ang pundido sa kaliwa at ilan ang sa kanan? Sinubukan kong bilangin yun para masagutan, ngunit nasa bente palang ang bilang ko eh, hilo nako (may nakita pakong pundi).

manila sunset

Sa istasyon ko pa kung saan ako sumasakay at bumababa ang Santolan – Annapolis station na yun. Kung saan napakadaling pumasok sa loob ng platform kumpara sa ibang istasyon ngunit napaka hirap sumakay sa loob ng tren. Dahil sa kritikal na lokasyon neto bago mag Ortigas CBD station at pagkalagpas ng Araneta-Cubao na napakadami ng tao kahit anong oras. Araw-araw napaka hirap sumakay ng tren doon, pero bakit pwede naman akong mag-bus bakit hindi ko i-try mag bus? Ang sagot dyan trapik… Traffic ang number one problem sa kalakhang maynila. Na ang tanging solusyon ay ang pag-alis ng maaga. Kaya ang bawa’t araw ko na nilalakbay ang pagpasok sa opisina sa gitna ng Makati ay napaka hirap. Mabuti nalang at wala kaming late, kase lahat kami naka flexi-sched. Nakakapagod at masaya mamuhay sa lungsod ngunit sulit dahil nandito ang pamilya ko.

At dyan nagtatapos ang isang kabanata sa araw-araw kung pamumuhay sa siyudad na sobrang usok at sobrang trapik. Sa susunod, sa pinoy forum naman ako mag susulat.

Magandang hapon.

Comments are closed.

top